Biyernes, Enero 22, 2010

Ang Langgam at ang Bahay-uod

LONDON, ENGLAND - APRIL 24:  A newly hatched b...Image by Getty Images via Daylife
Maliksing tumatakbo sa parang ang langgam upang maghanap ng makakain nang makatagpuan niya ang isang bahay-uod na malapit nang magtalop. Iginalaw ng bahay-uod ang kanyang buntot na siyang nakatawag pansin sa langgam. Sa unang pagkakataon, nalaman ng langgam na buhay pala iyon. "Kaaba-abang hayop!" mayabang na hiyaw ng langgam. "Anong lungkot ang kinasapitan mo! Habang nakakatakbo ako paroo't parito, sa akin na ring ikaliligaya, at, kung iibigin, makakaakyat ako sa pinakamatayog na puno. Samantalang nakabilanggo ka naman sa iyong bahay at ang kaya lang igalaw ay ang kaliskisin mong buntot. " Narinig iyon lahat ng bahay-uod ngunit hindi siya sumagot. Ilang araw lang ang lumipas, muling naparaan ang langgam sa landas na yaon. Tanging ang pinagtalupan na lang ang natira doon. Nagtataka kung ano ang nangyari sa laman nito, napansin na lang niya bigla na nalililiman at napapagaspasan siya ng kahanga-hangang pakpak ng isang magandang paro-paro. "Masdan mo," wika ng paro-paro, "itong labis mong kinahahabagan! Iyabang mo ngayon ang kakayahang tumakbo at umakyat hangga't mahihikayat mo akong makinig." Matapos noon, pumailang-lang sa papawirin ang paro-paro. Papaitaas itong dinala ng hangin ng tagsibol hanggang sa tuluyan nang maglaho sa paningin ng langgam magpakailanman.

Reblog this post [with Zemanta]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento