Image via Wikipedia
Isang araw ng tag-init sa may parang, lumulukso- lukso ang isang tipaklong. Humuhuni at umaawit ito hangga't ibig niya. Naparaan ang langgam, pasan-pasan nang buong pagsisikap ang isang butil ng mais na dadalhin niya tungo sa kanyang pugad.
"Bakit hindi lumapit at makipag-usap sa akin," wika ng tipaklong, "sa halip na magpakapagod at magpakadungis sa ganyang paraan?"
"Lumutulong ako sa pag-iimbak ng pagkain sa darating na taglamig," sagot ng langgam, "at iminumungkahi ko na gawin mo rin ito."
"Bakit pa mag-aabala sa taglamig?" sabi ng tipaklong, "kay dami ng pagkain sa ngayon." Ngunit tumungo nang muli at nagpatuloy sa pagpapakapagod. Nang dumating na ang taglamig, walang makain ang tipaklong at ngayon ay naghihingalo sa gutom, samantalang nakikitang ang mga langgam ay nagsasalo-salo sa pagkaing inipon nila araw-araw noong tag-init pa lang. Nito nga'y natuto ang tipaklong: Mainam na maghanda ng kakailanganin sa darating na mga araw.