Sabado, Abril 10, 2010

Ang Asno at ang Kanyang mga Amo

Farm Labor Union, Galena, Kansas



Image by George Eastman House via Flickr
May isang asno na nabibilang sa nagtitinda ng halamang pangsahog. Kaunting pagkain lang ang natatanggap nito at lubusan ang pagbabanat nito ng buto. Kaya naman humiling ito kay Jupiter na makalaya sa kasalukuyan nitong paglilingkod at matanggap ng ibang amo. Matapos na bigyan ni Jupiter ng babala na pagsisisihan nito ang kanyang pakiusap, ang asno ay naibenta sa gumagawa ng tisa. Sandali lang matapos nito, napagtanto niya na higit na mabigat ang pasaning dadalhi at labis na mahirap na gawain sa pagawaan ng tisa. Muli itong humiling na makapagpalit ng amo. Isang paalala na ito na ang huling pagkakataon na pagbibigyan ang kahilingan ang winika ni Jupiter sa asno. Ang asno nga ay nailipat sa mangangatad.  Nalaman nito na lalong higit sa sama ang kapalarang kinasadlakan, sabay tanda ng hanap-buhay ng kanyang mga dating amo. Umaatungal na nagbitiw ng salita ito: "Mainam palang ako'y gutumin ng isa o pagurin ng isa ko pang dating amo, kaysa mabili ng bago kong amo na gagawing katad ang aking balat at pakikinabangan pa kahit na ako'y yumao na."
Reblog this post [with Zemanta]

Biyernes, Abril 2, 2010

Ang Asno at ang Tao

Donkey in an Egyptian painting c.Image via Wikipedia
Habang dumaraan sa isang lansangang bayan, bigla na lang kumiling ang asno sa landas ng bangin at pumirmi sa bingid nito. Nang waring magpapatihulog ang hayop, sinunggab ng amo ang buntot nito at sinikap na hilain ito pabalik. Ngunit pinakawalan din ng amo ang asno dahil na rin sa pagpupumilit nitong pumiglas. "Daigin mo ito ngunit sa iyong sariling kapahamakan." Sabi ng tao.
Reblog this post [with Zemanta]

Linggo, Marso 28, 2010

Rules

Philippines (dark green) / ASEAN (dark grey)Image via Wikipedia
Listed below are the rules in participating to this advocacy.
  • Anyone, regardless of province or ethnic group a person belongs, may join.
  • It is essential that you can reflect of words which may be equal to the term in question.
  • Every submitted word is accepted no matter what dialect it was derived from.
  • Just be certain that the suggested lexis is found in the dialects used in the Philippines.
  • Any contributor can select which means to use to offer their entry.
  • You can send email to pambansangwika@yahoo.com or post a comment.
  • The administrator will immediately update and post the suggested terminology here.
  • Anybody may also give opinion with the same methods.
  • You may propose your own version or vote your preferred version that others recommended.
  • Please explain why you think your suggestions are worth supporting.
  • You can also give details about the origin of the elective vocabulary
  • In the end, everyone must agree which among the submission deserve its spot.
  • If you know foreign lexicon which you want to have Filipino equivalent but you cannot consider any proposal yet, Please let us know too so that others may put forward a term for them.
  • Everyone may help in promoting this advocacy to the web. By doing so, there will be an upsurge of figure who will suggest and choose other's idea.
  • You may tell your friends; mention about this in chat rooms, forums and bulletin anywhere in the web.
  • Anyone may copy anything that is published here for personal use because everything in here is the result of cooperation and collaboration.
  • Everybody may also translate any post in this site for better understanding.
  • Anyone may also help to manage this site. Please write why you are worthwhile to help manage it.
  • A person who volunteered to help manage this site will receive an invitation by email.
  • The selected volunteers may post as he/she likes.
Reblog this post [with Zemanta]

Biyernes, Enero 22, 2010

Ang Langgam at ang Tipaklong

Diariong Tagalog, Jueves, 1 de Enero de 1882.Image via Wikipedia
Isang araw ng tag-init sa may parang, lumulukso- lukso ang isang tipaklong. Humuhuni at umaawit ito hangga't ibig niya. Naparaan ang langgam, pasan-pasan nang buong pagsisikap ang isang butil ng mais na dadalhin niya tungo sa kanyang pugad.

"Bakit hindi lumapit at makipag-usap sa akin," wika ng tipaklong, "sa halip na magpakapagod at magpakadungis sa ganyang paraan?"

"Lumutulong ako sa pag-iimbak ng pagkain sa darating na taglamig," sagot ng langgam, "at iminumungkahi ko na gawin mo rin ito."

"Bakit pa mag-aabala sa taglamig?" sabi ng tipaklong, "kay dami ng pagkain sa ngayon." Ngunit tumungo nang muli at nagpatuloy sa pagpapakapagod. Nang dumating na ang taglamig, walang makain ang tipaklong at ngayon ay naghihingalo sa gutom, samantalang nakikitang ang mga langgam ay nagsasalo-salo sa pagkaing inipon nila araw-araw noong tag-init pa lang. Nito nga'y natuto ang tipaklong: Mainam na maghanda ng kakailanganin sa darating na mga araw.

Reblog this post [with Zemanta]

Ang Langgam at ang Kalapati

Caribbean DoveImage via Wikipedia
Nagtungo sa pampang ng ilog ang isang langgam upang pawiin ang kanyang uhaw nang tangayin siya ng rumaragasang agos. Malunodlunod siya nang mapansin ito ng isang kalapati na nakadapo sa may punong nakalukob sa ilogan. Agad na pumitas ng dahon ang kalapati at inilaglag sa tubigang malapit lamang. Sumampa ang langgam doon at ligtas siyang nagpalutang-lutang tungong pampang. Saglit lang matapos nito, may dumating na isang manghuhuli ng ibon at tumayo sa liliman ng puno. Naglatag ito ng sa ibong bitag na nasa sanga. Nahalata iyo ng langgam at kinagat nito ang paa ng tao. Sa sakit, naihagis niya ang mga siit at nagawang makalipad ng kalapati sa ingay na likha noon.

Reblog this post [with Zemanta]

Ang Langgam at ang Bahay-uod

LONDON, ENGLAND - APRIL 24:  A newly hatched b...Image by Getty Images via Daylife
Maliksing tumatakbo sa parang ang langgam upang maghanap ng makakain nang makatagpuan niya ang isang bahay-uod na malapit nang magtalop. Iginalaw ng bahay-uod ang kanyang buntot na siyang nakatawag pansin sa langgam. Sa unang pagkakataon, nalaman ng langgam na buhay pala iyon. "Kaaba-abang hayop!" mayabang na hiyaw ng langgam. "Anong lungkot ang kinasapitan mo! Habang nakakatakbo ako paroo't parito, sa akin na ring ikaliligaya, at, kung iibigin, makakaakyat ako sa pinakamatayog na puno. Samantalang nakabilanggo ka naman sa iyong bahay at ang kaya lang igalaw ay ang kaliskisin mong buntot. " Narinig iyon lahat ng bahay-uod ngunit hindi siya sumagot. Ilang araw lang ang lumipas, muling naparaan ang langgam sa landas na yaon. Tanging ang pinagtalupan na lang ang natira doon. Nagtataka kung ano ang nangyari sa laman nito, napansin na lang niya bigla na nalililiman at napapagaspasan siya ng kahanga-hangang pakpak ng isang magandang paro-paro. "Masdan mo," wika ng paro-paro, "itong labis mong kinahahabagan! Iyabang mo ngayon ang kakayahang tumakbo at umakyat hangga't mahihikayat mo akong makinig." Matapos noon, pumailang-lang sa papawirin ang paro-paro. Papaitaas itong dinala ng hangin ng tagsibol hanggang sa tuluyan nang maglaho sa paningin ng langgam magpakailanman.

Reblog this post [with Zemanta]

Androcles

Sergey Vasilievich Ivanov (1864-1910). Slave T...Image via Wikipedia
Minsang tumakas sa kanyang amo ang aliping nagnga- ngalang Androcles at tumungo sa gubat. Habang lumiligid siya doon, nakakita siya ng isang leon na dumaraing at humahalinghing. Sa simula'y humangos siya palayo, ngunit nang mapagtanto niyang hindi siya hinahabol ng leon, bumalik siya. Papalapit na siya nang ilabas ng leon ang kanyang paa na namamaga at dumurugo. Nakita ni Androcles na may malaking tinik ang tumusok doon. Ito ang naghahatid ng matinding sakit. Hinila niya palabas ang tinik at ibinalot ang paa ng leon. Nakabangon na ang leon hindi naglaon. Dinilaan nito ang kamay ni Androcles gaya ng aso. Matapos iyon, dinala ng leon si androcles sa kanyang yungib. Araw-araw, hinahatiran siya ng leon ng makakain na siya niyang ikinabubuhay. Hindi nagtagal, kapwa nahuli si Androcles at ang leon at hinatulan si Androcles na ipakakain sa leon. lang araw ding hindi pinakain ang leon hanggang sa dumating ang takdang araw ng pagpaparusa. Dumalo ang emperador kasama nang buo niyang pangkat upang matunghayan ang pagtatanghal. Dinala si Androcles sa gitna ng pook bunuan. Agad ding pinakawalan ang leon mula sa hawla. Humangos ito patungo sa sisilain habang sumisigaw. Ngunit nang makalapit na ang leon kay Androcles, nakilala niya ang kaibigan at inamo ito. Dinilaan niya ang kamay nito gaya ng maamong aso. Sa gulat ng emperador, ipinatawag niya si Androcles. Isinalaysay naman ni Androcles ang buong pangyayari. Dahil doon, Pinatawad at pinalaya ang alipin. Pinabalik na rin sa gubat ang leon.
Reblog this post [with Zemanta]