Biyernes, Hunyo 12, 2009

Ang Salitang "Freedom" sa iba't ibang Wika sa Pilipinas

Pigafetta's illustrations of Cebuanos during t...Image via Wikipedia
Narito ang ilan sa mga wika sa Pilipinas na aking nahanapan ng mga salita na tumutumbas sa salitang English na "freedom". Ito ay bilang pagdiriwang ng ating kalayaan. Kung mayroon man kayong alam na iba pang makakatumbas ng salitang nabanggit, ipagbigay alam lang po sana. Nawa ay makapagbigay ito nang sigla sa iba na tangkilikin ang sariling wika.

English: Freedom

Tagalog: Kalayaan
Cebuano: Kagawasan
Kapampangan: Kalayahan/Katimawan
Hiligaynon: Kahilwayan
Waray: Katalwasan
Aklanon: Kahilwayan

Reblog this post [with Zemanta]

Lunes, Mayo 4, 2009

Katagang Medikal

Naisip ko na hindi naman makakasama kung may katumbas sa Filipino ang mga katagang Medikal. Sabagay ang ibang bansa ay may sariling mga kataga na pampagamutan na iba sa English. Ano nga kaya kung lapatan din natin ng makakatumbas ang mga iyon mula sa sariling atin. Malay ba natin na baka mas madaling unawain ng mga nag-aaral dito kung sariling atin ang mga kataga na gagamitin. Kung ang mga katumbas ay yung mga salitang nakagisnan na natin, madali lang sa atin ang nakilala ito at lalo kung tandaan.

Inaanyayahan ko ang lahat ng mga mag-aaral sa larangang may kinalaman sa panggagamot na maglagak dito ng mga naiisip nila na angkop maging katumbas ng mga pinag-aaralan nilang mga kataga.
Reblog this post [with Zemanta]

Mga Katagang Pang-internet

Windows Internet ExplorerImage via Wikipedia
Ngayon na tayo ay nasa panahong ang internet ay madalas na ginagamit, bakit hindi tayo gumawa ng mga katumbas ng mga kataga na ginagamit sa internet.

Browser -
Search Engine - Palahagilapan
Internet -
Home -
Refresh - Mulinsalang
Previous - Lipas
Next - Sunod
Social Networking Sites
Login -
Logout -
Sign up - Magpatala
Blog -
Vlog (Video Blog) -
Forum
Email -
Website -
Reblog this post [with Zemanta]

Lunes, Abril 27, 2009

Panuntunan

The Tagalog Baybayin script or AlibataImage via Wikipedia
Ang nakasaad sa ibaba ay mga panuntunan sa pagsali sa adhikaing ito.

  • Kahit sino o sa anong lalawigan at pangkat etniko nabibilang ay maaaring sumali.
  • Kailangan lang na may naiisip kayo na mga salita na tumutumpal ang pagkakalarawan sa salitang hinahambing.
  • Kahit na sa anong dayalekto pa nagmula ang salitang iminumungkahi ay katanggaptanggap.
  • Siguraduhin lang na ang salitang imumungkahi ay kabilang sa mga dayalekto na ginagamit sa loob ng ating bansa.
  • Ang lahat ng nais mag-ambag ay maaaring pumili kung sa papaanong paraan nila nais ipabatid ang kanilang mungkahi.
  • Maaaring mag-email sa pambansangwika@yahoo.com o magpaskil ng kurokuro.
  • Agad na isasaayos ng tagapamahala ang mungkahi at ipapaskil ito dito.
  • Kahit sino ay maaaring magparating ng nasasaloob sa parehong mga kaparaanan.
  • Maaaring magmungkahi ng sarili ninyong version o kaya ay bumoto ng napupusuan ninyong version na iminungkahi ng iba.
  • Mangyari sanang ipaliwanag kung bakit sa tingin ninyo nararapat na tangkilikin ng lahat ang inyong mungkahi.
  • Maaari din na ipaliwanag ang pinagmulan ng salitang inyong iminumungkahi.
  • Sa huli, ang lahat ay dapat na magkasundo sa kung ano sa mga iminungkahi ang natatangi sa lahat.
  • Kung mayroon kayong mga salitang dayuhan na nais matumbasan ng sariling atin ngunit pansamantalang walang maisip na maimungkahi, mangyari sanang ipabatid na rin nang sa gayon ito ay mabigyan ng mungkahi ng iba.
  • Kahit sino ay maaring tumulong na mapalaganap sa web ang tungkol sa adhikaing ito upang dumami ng lubos ang maaaring magmungkahi at bumoto ng mungkahi.
  • Maaaring sabihin sa mga kaibigan at banggitin sa chat o sa mga forum at bulletin saan man sa web.
  • Kahit sino ay maaaring kumuha ng kahit na anong nakapaskil dito upang gamitin sa pangsariling kapakanan sapagkat ang lahat ng nandito ay bunga ng pag-aambag-ambag at pagtutulongan.
  • Kahit sino ay maaari din na magsalinwika ng kahit ano man na nakapaskil sa site na ito upang higit na maintindihan ng ibang mambabasa ang mga nakasulat.
  • Maaari din na ang ilan ay makatulong na pamahalaan ang site na ito.
  • mangyari lang na sumulat kung bakit kayo ang karapatdapat na tumulong sa pamamahala ng site.
  • Ang pagpiprinsinta na maging tagapamahala ay makakatanggap ng paanyaya na maging contributor buhat sa email.
  • Ang mga mapipili ay maaaring magpaskil ng hanggang sa ninanais o makakaya.
Reblog this post [with Zemanta]