May isang asno na nabibilang sa nagtitinda ng halamang pangsahog. Kaunting pagkain lang ang natatanggap nito at lubusan ang pagbabanat nito ng buto. Kaya naman humiling ito kay Jupiter na makalaya sa kasalukuyan nitong paglilingkod at matanggap ng ibang amo. Matapos na bigyan ni Jupiter ng babala na pagsisisihan nito ang kanyang pakiusap, ang asno ay naibenta sa gumagawa ng tisa. Sandali lang matapos nito, napagtanto niya na higit na mabigat ang pasaning dadalhi at labis na mahirap na gawain sa pagawaan ng tisa. Muli itong humiling na makapagpalit ng amo. Isang paalala na ito na ang huling pagkakataon na pagbibigyan ang kahilingan ang winika ni Jupiter sa asno. Ang asno nga ay nailipat sa mangangatad. Nalaman nito na lalong higit sa sama ang kapalarang kinasadlakan, sabay tanda ng hanap-buhay ng kanyang mga dating amo. Umaatungal na nagbitiw ng salita ito: "Mainam palang ako'y gutumin ng isa o pagurin ng isa ko pang dating amo, kaysa mabili ng bago kong amo na gagawing katad ang aking balat at pakikinabangan pa kahit na ako'y yumao na."
Sabado, Abril 10, 2010
Biyernes, Abril 2, 2010
Ang Asno at ang Tao
Image via Wikipedia
Habang dumaraan sa isang lansangang bayan, bigla na lang kumiling ang asno sa landas ng bangin at pumirmi sa bingid nito. Nang waring magpapatihulog ang hayop, sinunggab ng amo ang buntot nito at sinikap na hilain ito pabalik. Ngunit pinakawalan din ng amo ang asno dahil na rin sa pagpupumilit nitong pumiglas. "Daigin mo ito ngunit sa iyong sariling kapahamakan." Sabi ng tao.
Related articles by Zemanta
- Why Social Media is Not For Asses and Bubble People (ariwriter.com)
- 5th Sunday Of Lent March 21 (slideshare.net)
- Disney World's Animal Kingdom (coconuter.blogspot.com)
Mga etiketa:
Donkey,
fable,
filipino,
translation
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)