Lunes, Abril 27, 2009

Panuntunan

The Tagalog Baybayin script or AlibataImage via Wikipedia
Ang nakasaad sa ibaba ay mga panuntunan sa pagsali sa adhikaing ito.

  • Kahit sino o sa anong lalawigan at pangkat etniko nabibilang ay maaaring sumali.
  • Kailangan lang na may naiisip kayo na mga salita na tumutumpal ang pagkakalarawan sa salitang hinahambing.
  • Kahit na sa anong dayalekto pa nagmula ang salitang iminumungkahi ay katanggaptanggap.
  • Siguraduhin lang na ang salitang imumungkahi ay kabilang sa mga dayalekto na ginagamit sa loob ng ating bansa.
  • Ang lahat ng nais mag-ambag ay maaaring pumili kung sa papaanong paraan nila nais ipabatid ang kanilang mungkahi.
  • Maaaring mag-email sa pambansangwika@yahoo.com o magpaskil ng kurokuro.
  • Agad na isasaayos ng tagapamahala ang mungkahi at ipapaskil ito dito.
  • Kahit sino ay maaaring magparating ng nasasaloob sa parehong mga kaparaanan.
  • Maaaring magmungkahi ng sarili ninyong version o kaya ay bumoto ng napupusuan ninyong version na iminungkahi ng iba.
  • Mangyari sanang ipaliwanag kung bakit sa tingin ninyo nararapat na tangkilikin ng lahat ang inyong mungkahi.
  • Maaari din na ipaliwanag ang pinagmulan ng salitang inyong iminumungkahi.
  • Sa huli, ang lahat ay dapat na magkasundo sa kung ano sa mga iminungkahi ang natatangi sa lahat.
  • Kung mayroon kayong mga salitang dayuhan na nais matumbasan ng sariling atin ngunit pansamantalang walang maisip na maimungkahi, mangyari sanang ipabatid na rin nang sa gayon ito ay mabigyan ng mungkahi ng iba.
  • Kahit sino ay maaring tumulong na mapalaganap sa web ang tungkol sa adhikaing ito upang dumami ng lubos ang maaaring magmungkahi at bumoto ng mungkahi.
  • Maaaring sabihin sa mga kaibigan at banggitin sa chat o sa mga forum at bulletin saan man sa web.
  • Kahit sino ay maaaring kumuha ng kahit na anong nakapaskil dito upang gamitin sa pangsariling kapakanan sapagkat ang lahat ng nandito ay bunga ng pag-aambag-ambag at pagtutulongan.
  • Kahit sino ay maaari din na magsalinwika ng kahit ano man na nakapaskil sa site na ito upang higit na maintindihan ng ibang mambabasa ang mga nakasulat.
  • Maaari din na ang ilan ay makatulong na pamahalaan ang site na ito.
  • mangyari lang na sumulat kung bakit kayo ang karapatdapat na tumulong sa pamamahala ng site.
  • Ang pagpiprinsinta na maging tagapamahala ay makakatanggap ng paanyaya na maging contributor buhat sa email.
  • Ang mga mapipili ay maaaring magpaskil ng hanggang sa ninanais o makakaya.
Reblog this post [with Zemanta]